Verified

MInura ako sa Chat ilang beses

21:44 May 11 2015 Caloocan

View original report on: Philippines

Description
Nakakatanggap ako ng chat message mula sa kaklase kong lalaki. Noong una maayos siya nakikipagusap sa akin at nakikipagpalitan ng chat. kumustahan ang madalas pero di naglaon, naging bahagi na ng pagpapadala niya ng message ang pananaw niya sa kanya relihiyon. Noong una ayos at pilit ko iniintindi ang mga sinasabi niya sa chat. Dahul nga kaibigan ko siya, hindi ko na lang pinapatulan.

Ngunit kagabi, ang pakikipagkumustahan niya sa chat ay nauwi sa hindi magandang pagpapadala ng message. minumura na niya ako ng walang dahilan at pilit na tinatanong tungkol sa aking pananaw sa relihiyon niya. Pinagsabihan ko siya ngunit hindi siya sumang-ayon sa sinabi ko at patuloy ako minumura sa chat.

Blinock ko siya sa FB nang sa ganoon ay hindi na niya ako magambala. Nagpost din ako sa FB para ipagbigay alam na din sa mga kaklase namin kung ano ang ginagawa niya sa akin. Maaaring di lang ako ang biniktima niya ganitong uri ng pakikipag-usap. pakiramdam ko hinarass niya ako at talagang naapektuhan ako
Credibility: UP DOWN 0